Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2010

Samahang Walang Hangganan

SAMAHANG WALANG HANGGANAN  Flames of the  Burning Bush  2002  Sa tagal ng panahon na ating inilaan At sa tatag ng ating pagsasamahan Sa tingin mo ba’y akin pang malilimutan Itong pagkakaibigang tila walang hangganan? Kay rami nang bagay ang sa ati’y nagdaan Kay rami nang pagsubok ang ating nalampasan Mga problemang sinikap na solusyonan Sa huli”y mayroon din namang tawanan. Anupa’t kaysaya ng bawat araw na lumipas Na sa tuwing magkakasama’y di alintana ang oras Mga mukhang di maipinta’y nagiging maaliwalas Sa mga tawanang abot-langit ang lakas. Nakatutuwang isipin ang mga pinagdaanan natin Kay sayang balikan at muling alalahanin Ang maliligayang araw na kaysarap ulitin At malulungkot na pangyayaring ayaw nang busisiin. Sa mga pagsubok na dumating sa ating buhay Bawat isa’y nakahandang dumamay at umalalay Ang lahat ay nais na makapag-abot ng kamay Upang sabay-sabay na marating ang tagumpay Sa mga pagdaraanan pa nating lungkot at saya Sa lahat ng problemang kailangang idaan n