Skip to main content

Samahang Walang Hangganan

SAMAHANG WALANG HANGGANAN
 Flames of the Burning Bush 2002 

Sa tagal ng panahon na ating inilaan
At sa tatag ng ating pagsasamahan
Sa tingin mo ba’y akin pang malilimutan
Itong pagkakaibigang tila walang hangganan?

Kay rami nang bagay ang sa ati’y nagdaan
Kay rami nang pagsubok ang ating nalampasan
Mga problemang sinikap na solusyonan
Sa huli”y mayroon din namang tawanan.

Anupa’t kaysaya ng bawat araw na lumipas
Na sa tuwing magkakasama’y di alintana ang oras
Mga mukhang di maipinta’y nagiging maaliwalas
Sa mga tawanang abot-langit ang lakas.

Nakatutuwang isipin ang mga pinagdaanan natin
Kay sayang balikan at muling alalahanin
Ang maliligayang araw na kaysarap ulitin
At malulungkot na pangyayaring ayaw nang busisiin.

Sa mga pagsubok na dumating sa ating buhay
Bawat isa’y nakahandang dumamay at umalalay
Ang lahat ay nais na makapag-abot ng kamay
Upang sabay-sabay na marating ang tagumpay

Sa mga pagdaraanan pa nating lungkot at saya
Sa lahat ng problemang kailangang idaan na lang uli sa tawa
At sa mga karanasang pangit man o maganda
Sana’y magtuluy-tuloy pa itong ating pagsasama

by: MR.HUNT CUTERO 


Comments

  1. Sa mga Flames na wala sa picture I apologize wala ako makita pix na complete at latest kaya pansamantala ito na lang muna, sana sa susunod lahat na tayo. Thank you

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

♥♥♥ HAPPY BIRTHDAY ♥♥♥

♥♥♥   Ariel    ♥♥♥ April @ 26 @_@ Precious Gifts Flames of the Burning Bush Family My DOH Family  My Forever Family ♥♥♥  I LOVE YOU ALL   THANK YOU FOR MAKING MY DAY SO SPECIAL ♥♥♥

Tahanan ng Pagmamahal

Give Love on Christmas Day Tahanan ng Pagmamahal Flames of the Burning Bush December 24, 2010 Share your blessings ♥♥♥